Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 54)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




3 Āl ‘Imrān(آل عمران), Talata 54

وَمَكَرُوا وَمَكَرَ اللَّهُ ۖ وَاللَّهُ خَيْرُ الْمَاكِرِينَ 54 ٥٤

Nagpakana sila [laban kay Jesus] at nagpakana si Allāh [laban sa kanila], at Si Allāh ay ang pinakamabuti sa mga tagapagpakana. (54)

Tafsīr
Nagpakana ang mga tagatangging sumampalataya kabilang sa mga anak ni Israel kung saan nagsikap sila sa pagpatay kay Jesus – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – kaya nagpakana si Allāh sa kanila at iniwan Niya sila sa pagkaligaw nila. Ikinapit Niya ang pagkakahawig kay Jesus – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa ibang lalaki. Si Allāh ay ang pinakamabuti sa mga tagapagkana dahil walang higit na matindi kaysa sa pakana Niya – pagkataas-taas Siya – sa mga kaaway.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba