Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 57)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Hinggil sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos, maglulubus-lubos Siya sa kanila ng mga pabuya sa kanila. Si Allāh ay hindi umiibig sa mga tagalabag sa katarungan. (57)
Tafsīr
Hinggil sa mga sumampalataya sa iyo at sa katotohanan na inihatid mo sa kanila at gumawa ng mga maayos gaya ng pagdarasal, [pagbibigay ng] zakāh, pag-aayuno, pakikipag-ugnayan sa kaanak, at iba pa, tunay na si Allāh ay magbibigay sa kanila ng gantimpala sa mga gawa nila nang lubos na walang ibinabawas mula sa mga ito na anuman. Ang pag-uusap na ito tungkol sa mga tagasunod ni Kristo ay bago ng pagpapadala kay Propeta Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – na ibinalita ni Kristo mismo. Si Allāh ay hindi umiibig sa mga tagalabag sa katarungan. Kabilang sa pinakamabigat na paglabag sa katarungan ang pagtatambal kay Allāh – pagkataas-taas Siya – ang pagpapasinungaling sa mga sugo Niya.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: