Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 62)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




3 Āl ‘Imrān(آل عمران), Talata 62

إِنَّ هَٰذَا لَهُوَ الْقَصَصُ الْحَقُّ ۚ وَمَا مِنْ إِلَٰهٍ إِلَّا اللَّهُ ۚ وَإِنَّ اللَّهَ لَهُوَ الْعَزِيزُ الْحَكِيمُ 62 ٦٢

Tunay na ito ay talagang ang kasaysayang totoo [tungkol kay Jesus]. Walang anumang diyos kundi si Allāh. Tunay na si Allāh ay talagang ang Makapangyarihan, ang Marunong. (62)

Tafsīr
Tunay na binanggit Naming ito sa iyo mula sa lagay ni Jesus – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ay ang ulat na totoo na walang kasinungalingan dito ni pagdududa. Walang anumang sinasamba ayon sa karapatan kundi si Allāh lamang. Tunay na si Allāh ay talagang ang Makapangyarihan sa kaharian Niya, ang Marunong sa pangangasiwa Niya, pag-uutos Niya, at paglikha Niya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba