Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 69)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




3 Āl ‘Imrān(آل عمران), Talata 69

وَدَّتْ طَائِفَةٌ مِنْ أَهْلِ الْكِتَابِ لَوْ يُضِلُّونَكُمْ وَمَا يُضِلُّونَ إِلَّا أَنْفُسَهُمْ وَمَا يَشْعُرُونَ 69 ٦٩

Inasam ng isang pangkatin kabilang sa mga May Kasulatan na kung sana ay nagliligaw sila sa inyo, ngunit hindi sila nagliligaw kundi sa mga sarili nila ngunit hindi sila nakararamdam. (69)

Tafsīr
Minimithi ng mga pantas kabilang sa mga May Kasulatan kabilang sa mga Hudyo at mga Kristiyano na magpaligaw sila sa inyo, O mga mananampalataya, palayo sa katotohanang nagpatnubay sa inyo si Allāh tungo roon, ngunit hindi sila nagpapaliligaw kundi sa mga sarili nila dahil ang pagsisikap nila sa pagpapaligaw sa mga mananampalataya ay dumadagdag sa pagkaligaw nila mismo ngunit hindi sila nakaaalam sa kahihinatnan ng mga gawain nila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba