Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 72)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Nagsabi ang isang pangkatin kabilang sa mga May Kasulatan: “Sumampalataya kayo sa pinababa sa mga sumampalataya sa simula ng maghapon at tumanggi kayong sumampalataya sa katapusan niyon, nang sa gayon sila ay babalik [sa dati]. (72)
Tafsīr
Nagsabi ang isang lipon kabilang sa mga maalam ng mga Hudyo: "Sumampalataya kayo sa panlabas sa Qur'ān na pinababa sa mga mananampalataya sa simula ng maghapon at tumanggi kayong sumampalataya roon sa katapusan nito, nang sa gayon sila ay magdududa sa relihiyon nila dahilan sa pagtanggi ninyong sumampalataya roon matapos ng pananampalataya ninyo kaya babalik sila [sa dati] palayo roon habang mga nagsasabi: "Sila ay higit na nakaaalam kaysa sa amin sa mga kasulatan ni Allāh ngunit bumalik nga sila sa dati palayo roon."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: