Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 79)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




3 Āl ‘Imrān(آل عمران), Talata 79

مَا كَانَ لِبَشَرٍ أَنْ يُؤْتِيَهُ اللَّهُ الْكِتَابَ وَالْحُكْمَ وَالنُّبُوَّةَ ثُمَّ يَقُولَ لِلنَّاسِ كُونُوا عِبَادًا لِي مِنْ دُونِ اللَّهِ وَلَٰكِنْ كُونُوا رَبَّانِيِّينَ بِمَا كُنْتُمْ تُعَلِّمُونَ الْكِتَابَ وَبِمَا كُنْتُمْ تَدْرُسُونَ 79 ٧٩

Hindi naging ukol sa isang tao na magbigay rito si Allāh ng kasulatan, kapamahalaan, at pagkapropeta, pagkatapos magsabi ito sa mga tao: “Kayo ay maging mga mananamba para sa akin bukod pa kay Allāh,” bagkus [magsabi ito]: “Kayo ay maging mga paham dahil kayo noon ay nagtuturo ng kasulatan at dahil kayo noon ay nag-aaral;” (79)

Tafsīr
Hindi naging nararapat sa isang tao na magbigay rito si Allāh ng isang kasulatan na pinababa mula sa ganang Kanya, magtustos dito ng kaalaman at pag-intindi, at pumili rito bilang propeta, pagkatapos magsabi ito sa mga tao: "Kayo ay maging mga mananamba para sa akin bukod pa kay Allāh," bagkus magsabi siya sa kanila: "Kayo ay maging mga nakaaalam na mga nagtatrabaho bilang mga tagapagturo sa mga tao, bilang mga tagapagsaayos sa mga kapakanan nila dahilan sa pagtuturo ninyo ng kasulatan na pinababa para sa mga tao at dahil kayo noon ay nag-aaral mula rito ayon sa pagsasaulo at pag-intindi."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba