Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 97)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Dito ay may mga tandang malinaw [gaya ng] Pinagtayuan ni Abraham. Ang sinumang pumasok dito ay magiging matiwasay. Sa kay Allāh tungkulin ng mga tao ang magsagawa ng ḥajj sa Bahay [na Pinakababanal]: ng sinumang nakayang [magkaroon] patungo roon ng isang landas. Ang sinumang tumangging sumasampalataya, tunay na si Allāh ay Walang-pangangailangan sa mga nilalalang. (97)
Tafsīr
Dito ay may mga palatandaang hayag hinggil sa karangalan nito at kalamangan nito gaya ng mga rituwal at mga pagsamba. Kabilang sa mga palatandaang ito ay ang bato na tinayuan ni Abraham noong ninais niyang iangat ang dingding ng Ka`bah. Kabilang din sa mga ito ay na ang sinumang pumasok dito ay maglalaho ang pangamba sa kanya at hindi siya aabutin ng pananakit. Kinakailangan sa mga tao para kay Allāh ang pagsadya sa Bahay na ito para sa pagsasagawa ng mga ritwal ng ḥajj: para sa sinuman sa kanila na nakakakaya sa pagdating doon. Ang sinumang tumangging sumampalataya sa tungkulin ng pagsasagawa ng ḥajj, tunay na si Allāh ay Walang-pangangailangan sa tagatangging sumampalatayang ito at sa mga nilalalang sa kalahatan.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: