Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 99)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




3 Āl ‘Imrān(آل عمران), Talata 99

قُلْ يَا أَهْلَ الْكِتَابِ لِمَ تَصُدُّونَ عَنْ سَبِيلِ اللَّهِ مَنْ آمَنَ تَبْغُونَهَا عِوَجًا وَأَنْتُمْ شُهَدَاءُ ۗ وَمَا اللَّهُ بِغَافِلٍ عَمَّا تَعْمَلُونَ 99 ٩٩

Sabihin mo: “O mga May Kasulatan, bakit kayo sumasagabal sa landas ni Allāh sa sinumang sumampalataya, na naghahangad kayo rito ng isang kabaluktutan, samantalang kayo ay mga saksi. Si Allāh ay hindi nalilingat sa anumang ginagawa ninyo.” (99)

Tafsīr
Sabihin mo, O Propeta: "O mga May Kasulatan kabilang sa mga Hudyo at mga Kristiyano, bakit kayo pumipigil sa Relihiyon ni Allāh sa sinumang sumampalataya sa Kanya sa mga tao, na humihiling kayo para sa relihiyon ni Allāh ng isang pagkiling palayo sa katotohanan patungo sa kabulaanan at para sa mga alagad nito ng pagkaligaw palayo sa patnubay, samantalang kayo ay mga saksi na ang relihiyong ito ay ang katotohanan bilang tagapatotoo sa nasa mga kasulatan ninyo? Si Allāh ay hindi nalilingat sa anumang ginagawa ninyo na kawalang-pananampalataya sa Kanya at pagbalakid sa landas Niya Gaganti Siya sa inyo dahil dito."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba