Surah Ar-Rūm (Ang mga Romano — الروم) (Talata 19)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




30 Ar-Rūm(الروم), Talata 19

يُخْرِجُ الْحَيَّ مِنَ الْمَيِّتِ وَيُخْرِجُ الْمَيِّتَ مِنَ الْحَيِّ وَيُحْيِي الْأَرْضَ بَعْدَ مَوْتِهَا ۚ وَكَذَٰلِكَ تُخْرَجُونَ 19 ١٩

Nagpapalabas Siya ng buhay mula sa patay, nagpapalabas Siya ng patay mula sa buhay, at nagbibigay-buhay Siya sa lupa matapos ng kamatayan nito. Gayon kayo palalabasin. (19)

Tafsīr
Nagpapalabas Siya ng buhay mula sa patay, tulad ng pagpapalabas Niya sa tao mula sa punlay at sa sisiw mula sa itlog; nagpapalabas Siya ng patay mula sa buhay, tulad ng pagpapalabas Niya sa punlay mula sa tao at itlog mula sa manok. Nagbibigay-buhay Siya sa lupa matapos ng katuyuan nito sa pamamagitan ng pagpapababa ng ulan at pagpapatubo rito. Tulad ng pagbibigay-buhay sa lupa sa pamamagitan ng pagpapatubo rito, palalabasin kayo mula sa mga libingan ninyo para sa pagtutuos at pagganti.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba