Surah Ar-Rūm (Ang mga Romano — الروم) (Talata 23)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




30 Ar-Rūm(الروم), Talata 23

وَمِنْ آيَاتِهِ مَنَامُكُمْ بِاللَّيْلِ وَالنَّهَارِ وَابْتِغَاؤُكُمْ مِنْ فَضْلِهِ ۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَاتٍ لِقَوْمٍ يَسْمَعُونَ 23 ٢٣

Kabilang sa mga tanda Niya ang pagtulog ninyo sa gabi at maghapon at ang paghahangad ninyo ng kabutihang-loob Niya. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong dumidinig. (23)

Tafsīr
Kabilang sa mga dakilang tanda Niya na nagpapatunay sa kakayahan Niya at kaisahan Niya ang tulog ninyo sa gabi at ang pagtulog ninyo sa maghapon upang magpahinga mula sa hirap ng mga gawain ninyo. Kabilang sa mga tanda Niya ay na ginawa Niya para sa inyo ang maghapon upang magsikalat kayo roon habang mga naghahanap ng panustos mula sa Panginoon ninyo. Tunay na sa nabanggit na iyon ay talagang may mga patotoo at mga katunayan para sa mga taong dumidinig ayon sa pagdinig ng pagbubulay-bulay at pagdinig ng pagtanggap.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba