Surah Ar-Rūm (Ang mga Romano — الروم) (Talata 29)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




30 Ar-Rūm(الروم), Talata 29

بَلِ اتَّبَعَ الَّذِينَ ظَلَمُوا أَهْوَاءَهُمْ بِغَيْرِ عِلْمٍ ۖ فَمَنْ يَهْدِي مَنْ أَضَلَّ اللَّهُ ۖ وَمَا لَهُمْ مِنْ نَاصِرِينَ 29 ٢٩

Bagkus sumunod ang mga lumabag sa katarungan sa mga pithaya nila nang walang kaalaman. Kaya sino ang papatnubay sa iniligaw ni Allāh [dahil sa kapalaluan at pagpupumilit sa kasalanan]? Walang ukol sa kanila na anumang mga tagapag-adya. (29)

Tafsīr
Ang kadahilanan ng pagkaligaw nila ay hindi kakulangan sa mga patunay ni kawalan ng paglilinaw sa mga ito. Ito lamang ay ang pagsunod sa pithaya at ang paggaya-gaya sa mga magulang nila dala ng isang kamangmangan mula sa kanila sa karapatan ni Allāh. Kaya sino ang magtutuon sa kapatnubayan sa sinumang iniligaw ni Allāh? Walang isang makapagtutuon sa kanya. Walang ukol sa kanila na anumang mga tagapag-adya na magtutulak palayo sa kanila ng pagdurusang dulot ni Allāh.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba