Surah Ar-Rūm (Ang mga Romano — الروم) (Talata 41)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




30 Ar-Rūm(الروم), Talata 41

ظَهَرَ الْفَسَادُ فِي الْبَرِّ وَالْبَحْرِ بِمَا كَسَبَتْ أَيْدِي النَّاسِ لِيُذِيقَهُمْ بَعْضَ الَّذِي عَمِلُوا لَعَلَّهُمْ يَرْجِعُونَ 41 ٤١

Lumitaw ang kaguluhan sa lupa at dagat dahil sa nakamit ng mga kamay ng mga tao upang magpalasap Siya sa kanila ng ilan sa ginawa nila, nang sa gayon sila ay babalik [sa Kanya]. (41)

Tafsīr
Lumitaw ang kaguluhan sa lupa at dagat gaya ng tagtuyot, kakauntian ng mga ulan, at karamihan ng mga sakit at mga epidemya dahilan sa ginawa nila na mga pagsuway. Lumitaw iyon upang magpalasap sa kanila si Allāh ng ganti sa ilan sa mga gawain nilang masagwa sa buhay na pangmundo, sa pag-asa na bumalik sila sa Kanya sa pagbabalik-loob.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba