Surah Ar-Rūm (Ang mga Romano — الروم) (Talata 46)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




30 Ar-Rūm(الروم), Talata 46

وَمِنْ آيَاتِهِ أَنْ يُرْسِلَ الرِّيَاحَ مُبَشِّرَاتٍ وَلِيُذِيقَكُمْ مِنْ رَحْمَتِهِ وَلِتَجْرِيَ الْفُلْكُ بِأَمْرِهِ وَلِتَبْتَغُوا مِنْ فَضْلِهِ وَلَعَلَّكُمْ تَشْكُرُونَ 46 ٤٦

Kabilang sa mga tanda Niya na magsugo Siya ng mga hangin bilang mga tagapagbalita ng nakagagalak at upang magpalasap Siya sa inyo mula sa awa Niya, upang maglayag ang mga daong ayon sa utos Niya, at upang maghanap kayo ng kagandahang-loob Niya, at nang sa gayon kayo ay magpapasalamat. (46)

Tafsīr
Kabilang sa mga tanda Niyang dakila na nagpapatunay sa kakayahan Niya at kaisahan Niya ay na nagpapadala Siya ng mga hangin upang magbalita ng nakagagalak sa mga tao hinggil sa paglapit ng pagbaba ng ulan, at upang magpalasap Siya sa inyo, O mga tao, mula sa awa Niya sa pamamagitan ng magaganap matapos ng ulan na pagtaba ng lupa at kaginhawahan, upang maglayag ang mga daong sa dagat ayon sa kalooban Niya, at upang maghanap kayo ng kagandahang-loob Niya sa pamamagitan ng pangangalakal sa dagat, at nang sa gayon kayo ay magpapasalamat sa mga biyaya ni Allāh sa inyo para magdagdag Siya sa inyo ng mga ito.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba