Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Si Allāh ay ang nagsusugo ng mga hangin, saka nagpapagalaw ang mga iyon ng mga ulap, saka naglalatag sa mga ito sa langit kung papaanong niloloob Niya, at gumagawa sa mga ito bilang mga tipak kaya nakikita mo ang ulan habang lumalabas mula sa loob ng mga ito. Kaya kapag nagpatama Siya ng mga ito sa mga niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya, biglang sila ay nagagalak. (48)
Tafsīr
Si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang umaakay sa mga hangin at nagpapadala sa mga iyon saka nagpapagalaw ang mga hanging iyon sa mga ulap at nagpapakilos sa mga ito. Bumabanat Siya sa mga ito sa langit kung papaanong niloloob Niya sa kakauntian o karamihan. Gumagawa Siya sa mga ito bilang mga piraso kaya nakikita mo, O tagatingin, ang ulan habang lumalabas mula sa gitna ng mga ulap na iyon. Kaya kapag nagpatama si Allāh ng ulan sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya, biglang sila rito ay natutuwa dahil sa awa Niya sa kanila dahil sa pagpapababa ng ulan na sinusundan ng pagpapatubo sa lupa ng kinakailangan nila para sa mga sarili nila at para sa mga hayop nila.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: