Surah Ar-Rūm (Ang mga Romano — الروم) (Talata 58)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




30 Ar-Rūm(الروم), Talata 58

وَلَقَدْ ضَرَبْنَا لِلنَّاسِ فِي هَٰذَا الْقُرْآنِ مِنْ كُلِّ مَثَلٍ ۚ وَلَئِنْ جِئْتَهُمْ بِآيَةٍ لَيَقُولَنَّ الَّذِينَ كَفَرُوا إِنْ أَنْتُمْ إِلَّا مُبْطِلُونَ 58 ٥٨

Talaga ngang naglahad Kami para sa mga tao sa Qur’ān na ito mula sa bawat paghahalintulad. Talagang kung naghatid ka sa kanila ng isang tanda ay talagang magsasabi nga ang mga tumangging sumampalataya: “Walang iba kayo kundi mga tagagawa ng kabulaanan.” (58)

Tafsīr
Talaga ngang naglahad Kami para sa mga tao sa Qur’an na ito – bilang pagmamalasakit sa kanila – mula sa bawat paghahalintulad upang lumiwanag para sa kanila ang katotohanan mula sa kabulaanan. Talagang kung naghatid ka sa kanila, O Sugo, ng isang katwiran sa katapatan mo ay talagang magsasabi nga ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh: "Walang iba kayo kundi mga tagagawa ng kabulaanan kaugnay sa inihatid ninyo."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba