Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Kung nakipagpunyagi silang dalawa sa iyo na magtambal ka sa Akin ng wala kang kaalaman hinggil doon ay huwag kang tumalima sa kanilang dalawa. Makisama ka sa kanilang dalawa sa Mundo ayon sa nakabubuti. Sumunod ka sa landas ng sinumang nagsisising nanumbalik tungo sa Akin. Pagkatapos tungo sa Akin ang babalikan ninyo saka magbabalita Ako sa inyo hinggil sa anumang dati ninyong ginagawa.” (15)
Tafsīr
Kung nagbuhos ang mga magulang ng isang pagsisikap upang magbunsod sa iyo na magtambal ka kay Allāh ng iba pa sa Kanya dala ng pagdodomina mula sa kanilang dalawa ay huwag kang tumalima sa kanilang dalawa roon dahil walang pagtalima sa isang nilikha kapalit ng pagsuway sa Tagalikha. Makisama ka sa kanilang dalawa sa Mundo ayon sa pagpapakabuti, pagpapanatili ng ugnayan, at paggawa ng maganda. Sumunod ka sa daan ng nagsisi sa Akin ayon sa paniniwala sa kaisahan Ko at pagtalima. Pagkatapos sa Akin lamang sa Araw ng Pagbangon ang babalikan ninyo sa kalahatan saka magpapabatid AKo sa inyo ng anumang dati ninyong ginagawa sa Mundo na gawain at gaganti Ako sa inyo dahil doon.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: