Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
[Nagsabi si Luqmān]: “O anak ko, tunay na ito, kung naging kasimbigat ng isang buto ng mustasa saka naging nasa isang bato o nasa mga langit o nasa lupa, maglalahad nito si Allāh. Tunay na si Allāh ay Mapagtalos, Mapagbatid. (16)
Tafsīr
[Nagsabi si Luqmān]: "O anak ko, tunay na ang masagwang gawa o ang magandang gawa, naging gaano man kaliit ito tulad ng bigat ng isang buto ng mustasa at naging nasa ilalim ng isang bato na walang nakababatid doon na isa man o naging nasa alinmang pook sa mga langit o sa lupa, tunay na si Allāh ay maglalahad nito sa Araw ng Pagbangon saka gaganti sa tao dahil doon. Tunay na si Allāh ay Mapagtalos: walang nakakukubli sa Kanya na mga kaliit-liitan ng mga bagay, Mapagbatid sa mga reyalidad ng mga ito at kinalalagyan ng mga ito.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: