Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Kapag sinabi sa kanila: “Sumunod kayo sa pinababa ni Allāh,” nagsasabi sila: “Bagkus sumusunod kami sa natagpuan namin sa mga magulang namin.” Kahit pa ba ang demonyo ay nag-aanyaya sa kanila sa pagdurusa sa Liyab? (21)
Tafsīr
Kapag sinabi sa mga nakikipagtalong ito sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh: "Sumunod kayo sa pinababa ni Allāh sa Sugo Niya mula sa kasi," nagsasabi sila: "Hindi kami sumusunod dito. Bagkus sumusunod kami sa natagpuan namin sa mga ninuno namin na pagsamba sa mga diyos namin." Kahit ba ang demonyo ay nag-aanyaya sa kanila – sa pamamagitan ng ipinanliligaw niya sa kanila na pagsamba sa mga diyus-diyusan – tungo sa pagdurusa sa Impiyerno sa Araw ng Pagbangon?
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: