Surah Luqmān (Luqman — لقمان) (Talata 27)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




31 Luqmān(لقمان), Talata 27

وَلَوْ أَنَّمَا فِي الْأَرْضِ مِنْ شَجَرَةٍ أَقْلَامٌ وَالْبَحْرُ يَمُدُّهُ مِنْ بَعْدِهِ سَبْعَةُ أَبْحُرٍ مَا نَفِدَتْ كَلِمَاتُ اللَّهِ ۗ إِنَّ اللَّهَ عَزِيزٌ حَكِيمٌ 27 ٢٧

Kung sakaling ang anumang nasa lupa na punong-kahoy ay [ginawang] mga panulat at ang dagat [ay tinta], na may magdaragdag dito matapos na niyon na pitong dagat, hindi mauubos ang mga salita ni Allāh. Tunay na si Allāh ay Makapangyarihan, Marunong. (27)

Tafsīr
Kung sakaling ang anumang nasa lupa na mga punong-kahoy na pinutol at tinasahan ay naging mga panulat at ginawa ang dagat na tinta para sa mga iyon, at kung sakaling dinagdagan ito ng pitong dagat, hindi masasaid ang mga salita ni Allāh dahil sa kawalan ng pagwawakas ng mga ito. Tunay na si Allāh ay Makapangyarihang walang nakikipanaig sa Kanya na isa man, Marunong sa paglikha Niya at pangangasiwa Niya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba