Surah Luqmān (Luqman — لقمان) (Talata 33)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




31 Luqmān(لقمان), Talata 33

يَا أَيُّهَا النَّاسُ اتَّقُوا رَبَّكُمْ وَاخْشَوْا يَوْمًا لَا يَجْزِي وَالِدٌ عَنْ وَلَدِهِ وَلَا مَوْلُودٌ هُوَ جَازٍ عَنْ وَالِدِهِ شَيْئًا ۚ إِنَّ وَعْدَ اللَّهِ حَقٌّ ۖ فَلَا تَغُرَّنَّكُمُ الْحَيَاةُ الدُّنْيَا وَلَا يَغُرَّنَّكُمْ بِاللَّهِ الْغَرُورُ 33 ٣٣

O mga tao, mangilag kayong magkasala sa Panginoon ninyo at matakot kayo sa isang Araw na walang mananagot na isang magulang para sa anak niya ni isang inanak na mananagot para sa magulang niya sa anuman. Tunay na ang pangako ni Allāh ay totoo kaya huwag ngang lilinlang sa inyo ang buhay na pangmundo at huwag ngang lilinlang sa inyo hinggil kay Allāh ang mapanlinlang. (33)

Tafsīr
O mga tao, mangilag kayong magkasala sa Panginoon ninyo sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Mangamba kayo sa pagdurusa sa isang Araw na hindi makapagdudulot doon ang isang magulang para sa anak niya at hindi makapagdudulot ang isang inanak para sa magulang niya ng anuman. Tunay na ang pangako ni Allāh ng pagganti sa Araw ng Pagbangon ay napagtibay at magaganap nang walang pasubali. Kaya huwag ngang manlinlang sa inyo ang buhay na pangmundo sa pamamagitan ng narito na mga ninanasa at mga pampalibang at huwag ngang manlinlang sa inyo ang demonyo dahil sa pagtitimpi ni Allāh sa inyo at pagpapahuli Niya ng pagdurusa sa inyo.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba