Surah As-Sajdah (Ang Pagpapatirapa — السجدة) (Talata 12)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




32 As-Sajdah(السجدة), Talata 12

وَلَوْ تَرَىٰ إِذِ الْمُجْرِمُونَ نَاكِسُو رُءُوسِهِمْ عِنْدَ رَبِّهِمْ رَبَّنَا أَبْصَرْنَا وَسَمِعْنَا فَارْجِعْنَا نَعْمَلْ صَالِحًا إِنَّا مُوقِنُونَ 12 ١٢

Kung sakaling nakikita mo kapag ang mga salarin ay mga nakatungo ang mga ulo nila sa piling ng Panginoon nila, [na nagsasabi]: “Panginoon namin, nakakita kami at nakarinig kami. Kaya magpabalik Ka sa amin [sa Mundo], gagawa kami ng maayos. Tunay na kami ay mga nakatitiyak.” (12)

Tafsīr
Lilitaw ang mga salarin sa Araw ng Pagbangon samantalang sila ay mga hamak, na nakayuko ang mga ulo nila dahilan sa kawalang-pananampalataya nila sa pagkabuhay na muli. Makararamdam sila ng kahihiyan at magsasabi sila: "Panginoon namin, nakakita kami sa dati naming pinasisinungalingan na pagkabuhay na muli at nakarinig kami sa pagkatotoo ng inihatid ng mga sugo mula sa ganang Iyo. Kaya magpabalik Ka sa amin sa buhay na pangmundo, gagawa kami ng gawang maayos na nagpapalugod sa Iyo sa amin. Tunay na kami ay mga nakatitiyak ngayon sa pagkabuhay na muli at sa katapatan ng inihatid ng mga sugo." Kung sakaling nakita mo ang mga salarin sa kalagayang iyon, makakikita ka ng isang bagay na sukdulan.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba