Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Gumawa Kami mula sa kanila [na mga anak ni Israel] ng mga pinuno na nagpapatnubay ayon sa kautusan Namin noong nagtiis sila at sila noon sa mga tanda Namin ay nakatitiyak. (24)
Tafsīr
Gumawa Kami mula sa mga anak ni Israel ng mga pinuno na tinutularan ng mga tao sa katotohanan, na gumagabay tungo sa katotohanan ayon sa pagpapahintulot Namin sa kanila niyon at pagpapalakas Namin sa kanila sa [katotohanang] iyon dahil nagtiis sila sa pagsunod sa mga ipinag-uutos at pag-iwas sa mga sinasaway at sa pananakit sa landas ng pag-aanyaya [tungo sa Islām]. Sila noon sa mga tanda ni Allāh na pinababa sa sugo nila ay nagpapatotoo ayon sa pagpapatotoong tiyakan.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: