Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Hindi ba nagpatnubay para sa kanila na kay rami ng ipinahamak Namin bago pa nila na mga [makasalanang] salinlahi habang naglalakad ang mga iyon sa mga tirahan ng mga iyon? Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda; kaya hindi ba sila dumidinig? (26)
Tafsīr
Nabulagan ba ang mga ito kaya hindi luminaw para sa kanila kung ilan ang ipinahamak Namin, bago pa nila, mula sa mga kalipunang nauna? Heto sila, naglalakad sa mga tirahan nila na sila noon ay nakatira sa mga ito bago ng pagpapahamak sa kanila ngunit hindi sila napangaralan ayon sa kalagayan nila. Tunay na sa nangyari sa mga kalipunang iyon na pagpapahamak dahilan sa kawalang-pananampalataya nila at mga pagsuway nila ay talagang may mga maisasaalang-alang, na maipampapatunay sa katapatan ng mga sugo nila na dumating sa kanila mula sa ganang kay Allāh. Kaya hindi ba dumidinig ang mga tagapagpasinungaling na ito sa mga tanda ni Allāh ayon sa pagdinig ng pagtanggap at pagkapangaral?
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: