Surah Al-Aḥzāb (Ang mga Alyansa — الأحزاب) (Talata 12)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




33 Al-Aḥzāb(الأحزاب), Talata 12

وَإِذْ يَقُولُ الْمُنَافِقُونَ وَالَّذِينَ فِي قُلُوبِهِمْ مَرَضٌ مَا وَعَدَنَا اللَّهُ وَرَسُولُهُ إِلَّا غُرُورًا 12 ١٢

[Banggitin] noong nagsasabi ang mga mapagpaimbabaw at ang mga sa mga puso nila ay may karamdaman [ng pagdududa]: “Hindi nangako sa amin si Allāh at ang Sugo Niya kundi ng isang panlilinlang.” (12)

Tafsīr
Nang araw na iyon, nagsabi ang mga mapagpaimbabaw at ang mahihina ang pananampalataya na sa mga puso nila ay may pagdududa: "Walang ipinangako sa amin si Allāh at ang Sugo Niya na pag-aadya laban sa kaaway namin at pagbibigay-kapangyarihan para sa amin sa lupa kundi isang kabulaanang walang batayan.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba