Surah Al-Aḥzāb (Ang mga Alyansa — الأحزاب) (Talata 16)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




33 Al-Aḥzāb(الأحزاب), Talata 16

قُلْ لَنْ يَنْفَعَكُمُ الْفِرَارُ إِنْ فَرَرْتُمْ مِنَ الْمَوْتِ أَوِ الْقَتْلِ وَإِذًا لَا تُمَتَّعُونَ إِلَّا قَلِيلًا 16 ١٦

Sabihin mo: “Hindi magpapakinabang sa inyo ang pagtakas kung tumakas kayo sa kamatayan o pagkapatay, at sa samakatuwid [kung ginawa ninyo,] hindi kayo pagtatamasain [buhay na ito] kundi nang kaunti.” (16)

Tafsīr
Sabihin mo, O Sugo, sa mga ito: "Hindi magpapakinabang sa inyo ang pagtakas kung tumakas kayo sa pakikipaglaban dahil sa pangamba sa kamatayan o sa pagkapatay dahil ang mga taning [ng buhay] ay nakatakda. Kapag tumakas kayo at hindi pa dumating ang taning ninyo, tunay na kayo ay hindi magtatamasa sa buhay kundi sa kaunting panahon."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba