Surah Al-Aḥzāb (Ang mga Alyansa — الأحزاب) (Talata 19)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




33 Al-Aḥzāb(الأحزاب), Talata 19

أَشِحَّةً عَلَيْكُمْ ۖ فَإِذَا جَاءَ الْخَوْفُ رَأَيْتَهُمْ يَنْظُرُونَ إِلَيْكَ تَدُورُ أَعْيُنُهُمْ كَالَّذِي يُغْشَىٰ عَلَيْهِ مِنَ الْمَوْتِ ۖ فَإِذَا ذَهَبَ الْخَوْفُ سَلَقُوكُمْ بِأَلْسِنَةٍ حِدَادٍ أَشِحَّةً عَلَى الْخَيْرِ ۚ أُولَٰئِكَ لَمْ يُؤْمِنُوا فَأَحْبَطَ اللَّهُ أَعْمَالَهُمْ ۚ وَكَانَ ذَٰلِكَ عَلَى اللَّهِ يَسِيرًا 19 ١٩

habang mga sakim sa inyo. Ngunit kapag dumating ang pangamba, makakikita ka sa kanila na tumitingin sa iyo, na umiikot ang mga mata nila gaya ng hinihimatay sa kamatayan; ngunit kapag umalis ang takot ay humahagupit sila sa inyo ng mga dilang matatalas, na mga sakim sa mabuti. Ang mga iyon ay hindi sumampalataya kaya nagpawalang-kabuluhan si Allāh sa mga gawa nila. Laging iyon kay Allāh ay madali. (19)

Tafsīr
Habang mga maramot sa inyo, O kapulungan ng mga mananampalataya, ng mga yaman nila kaya hindi sila tumutulong sa inyo sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga ito, mga maramot ng mga sarili nila kaya hindi sila nakikipaglaban kasama sa inyo, at mga maramot ng pagmamahal nila kaya hindi sila nagmamahal sa inyo. Ngunit kapag dumating ang pangamba sa sandali ng pakikipagharap sa kaaway, makakikita ka sa kanila na tumitingin sa iyo, O Sugo, na umiikot ang mga mata nila dahil sa karuwagan tulad ng pag-ikot ng mga mata ng nagdurusa sa mga hapdi ng paghihingalo; ngunit kapag umalis sa kanila ang pangamba at napanatag sila ay nananakit sila sa inyo sa pananalita sa pamamagitan ng mga dilang bastos. Mga sakim sa mga samsam sa digmaan, naghahanap sila ng mga ito. Ang mga nailalarawang iyon sa mga katangiang ito ay hindi sumampalataya nang totohanan kaya nagpawalang-saysay si Allāh sa gantimpala ng mga gawa nila. Laging ang pagwawalang-saysay na iyon ay madali kay Allāh.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba