Surah Al-Aḥzāb (Ang mga Alyansa — الأحزاب) (Talata 26)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




33 Al-Aḥzāb(الأحزاب), Talata 26

وَأَنْزَلَ الَّذِينَ ظَاهَرُوهُمْ مِنْ أَهْلِ الْكِتَابِ مِنْ صَيَاصِيهِمْ وَقَذَفَ فِي قُلُوبِهِمُ الرُّعْبَ فَرِيقًا تَقْتُلُونَ وَتَأْسِرُونَ فَرِيقًا 26 ٢٦

Nagpababa Siya sa mga nagtaguyod sa mga iyon [na mga tagapagtambal] kabilang sa mga May Kasulatan [na mga Hudyo] mula sa mga balwarte ng mga iyon at bumato Siya sa mga puso ng mga iyon ng hilakbot [kaya] may isang pangkat na pinapatay ninyo at may isang pangkat na binibihag ninyo. (26)

Tafsīr
Nagpababa si Allāh sa mga tumulong sa kanila kabilang sa mga Hudyo mula sa mga kuta ng mga iyon na pinagkukutahan nila laban sa kaaway ng mga iyon. Pumukol Siya ng pangamba sa mga sarili ng mga iyon kaya may isang pangkat na pinapatay ninyo, O mga mananampalataya, at may isang pangkat na binibihag ninyo.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba