Surah Al-Aḥzāb (Ang mga Alyansa — الأحزاب) (Talata 37)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




33 Al-Aḥzāb(الأحزاب), Talata 37

وَإِذْ تَقُولُ لِلَّذِي أَنْعَمَ اللَّهُ عَلَيْهِ وَأَنْعَمْتَ عَلَيْهِ أَمْسِكْ عَلَيْكَ زَوْجَكَ وَاتَّقِ اللَّهَ وَتُخْفِي فِي نَفْسِكَ مَا اللَّهُ مُبْدِيهِ وَتَخْشَى النَّاسَ وَاللَّهُ أَحَقُّ أَنْ تَخْشَاهُ ۖ فَلَمَّا قَضَىٰ زَيْدٌ مِنْهَا وَطَرًا زَوَّجْنَاكَهَا لِكَيْ لَا يَكُونَ عَلَى الْمُؤْمِنِينَ حَرَجٌ فِي أَزْوَاجِ أَدْعِيَائِهِمْ إِذَا قَضَوْا مِنْهُنَّ وَطَرًا ۚ وَكَانَ أَمْرُ اللَّهِ مَفْعُولًا 37 ٣٧

[Banggitin, O Propeta Muḥammad] noong nagsasabi ka [kay Zayd bin Ḥārithah na] biniyayaan ni Allāh [ng Islām] at biniyayaan mo [ng pagpapalaya]: “Magpanatili ka sa iyo ng maybahay mo at mangilag kang magkasala kay Allāh,” samantalang nagkukubli ka sa sarili mo ng bagay na si Allāh ay maglalantad nito at natatakot ka sa mga tao samantalang si Allāh ay higit na karapat-dapat na matakot ka sa Kanya. Kaya noong nakatapos si Zayd mula sa kanya ng isang pangangailangan, ipinakasal Namin siya sa iyo upang walang mangyari sa mga mananampalataya na isang kaasiwaan sa mga maybahay ng mga ampon nila kapag nakatapos ang mga ito mula sa mga iyon ng isang pangangailangan. Laging ang utos ni Allāh ay nagagawa. (37)

Tafsīr
[Banggitin] noong nagsasabi ka, O Sugo, sa biniyayaan ni Allāh ng biyaya ng Islām at biniyayaan mo mismo ng pagpapalaya – ang tinutukoy ay si Zayd bin Ḥārithah, malugod si Allāh sa kanilang dalawa – nang dumating siya sa iyo na sumasangguni hinggil sa pumapatungkol pagdidiborsiyo sa maybahay niyang si Zaynab bint Jaḥsh. Nagsasabi ka sa kanya: "Panatilihin mo sa iyo ang maybahay mo, huwag mo siyang diborsiyuhin, at mangilag kang magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya," samantalang naglilihim ka sa sarili mo ng ikinasi ni Allāh sa iyo na pagpapakasal kay Zaynab, dala ng takot sa mga tao. Si Allāh ay maglalantad sa pagdiborsiyo ni Zayd kay Zaynab, pagkatapos sa pagpapakasal mo sa kanya. Si Allāh ay higit na marapat na katakutan mo kaugnay sa bagay na ito. Kaya noong lumuwag ang loob ni Zayd, umayaw siya rito, at nagdiborsiyo siya rito, ipinakasal ito sa iyo ni Allāh upang hindi magkaroon para sa mga mananampalataya ng isang kasalanan sa pag-aasawa sa mga maybahay ng mga anak nila sa pag-aampon kapag nagdiborsiyo ang mga ito sa mga iyon at natapos ang `iddah ng mga iyon. Laging ang utos ni Allāh ay nagagawa: walang pipigil dito at walang hahadlang dito.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba