Surah Al-Aḥzāb (Ang mga Alyansa — الأحزاب) (Talata 40)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




33 Al-Aḥzāb(الأحزاب), Talata 40

مَا كَانَ مُحَمَّدٌ أَبَا أَحَدٍ مِنْ رِجَالِكُمْ وَلَٰكِنْ رَسُولَ اللَّهِ وَخَاتَمَ النَّبِيِّينَ ۗ وَكَانَ اللَّهُ بِكُلِّ شَيْءٍ عَلِيمًا 40 ٤٠

Si Muḥammad ay hindi ama ng isa sa mga lalaki ninyo, subalit ang Sugo ni Allāh at ang pangwakas sa mga propeta. Laging si Allāh sa bawat bagay ay Maalam. (40)

Tafsīr
Si Muḥammad ay hindi ama ng isa sa mga lalaki ninyo sapagkat hindi siya ama ni Zayd upang ipagbawal sa kanya ang pagpapakasal sa dating maybahay ni Zayd kapag diniborsiyo nito iyon, subalit siya ay ang Sugo ni Allāh sa mga tao at ang pangwakas sa mga propeta sapagkat walang propeta matapos niya. Laging si Allāh sa bawat bagay ay Maalam: walang nakakukubli sa Kanya na anuman kabilang sa nauukol sa mga lingkod Niya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba