Surah Al-Aḥzāb (Ang mga Alyansa — الأحزاب) (Talata 43)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Siya ay ang nagbabasbas sa inyo at ang mga anghel Niya [ay humihiling sa Kanya ng gayon], upang magpalabas Siya sa inyo mula sa mga kadiliman tungo sa liwanag. Laging Siya sa mga mananampalataya ay Maawain. (43)
Tafsīr
Siya ay ang naaawa sa inyo at nagbubunyi sa inyo. Dumadalangin para sa inyo ang mga anghel Niya para palabasin kayo mula sa mga kadiliman ng kawalang-pananampalataya tungo sa liwanag ng pananampalataya. Laging Siya sa mga mananampalataya ay Maawain sapagkat hindi Siya nagpaparusa sa kanila kapag sila ay tumalima sa Kanya, sumunod sa ipinag-uutos Niya at umiwas sa sinasaway Niya.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: