Surah Al-Aḥzāb (Ang mga Alyansa — الأحزاب) (Talata 49)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




33 Al-Aḥzāb(الأحزاب), Talata 49

يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا إِذَا نَكَحْتُمُ الْمُؤْمِنَاتِ ثُمَّ طَلَّقْتُمُوهُنَّ مِنْ قَبْلِ أَنْ تَمَسُّوهُنَّ فَمَا لَكُمْ عَلَيْهِنَّ مِنْ عِدَّةٍ تَعْتَدُّونَهَا ۖ فَمَتِّعُوهُنَّ وَسَرِّحُوهُنَّ سَرَاحًا جَمِيلًا 49 ٤٩

O mga sumampalataya, kapag nag-asawa kayo ng mga babaing mananampalataya, pagkatapos nagdiborsiyo kayo sa kanila bago pa kayo sumaling sa kanila, walang ukol sa inyong tungkulin sa kanila na isang panahon ng paghihintay na bibilangin ninyo. Kaya magpatamasa kayo sa kanila at magpalaya kayo sa kanila nang isang pagpapalayang marilag. (49)

Tafsīr
O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa isinabatas Niya para sa kanila, kapag nakapagsagawa kayo sa mga babaing mananampalataya ng isang kasunduan ng kasal, pagkatapos nagdiborsiyo kayo sa kanila bago ng pakikipagtalik sa kanila, walang ukol sa inyo ng tungkulin sa kanila na isang `iddah (panahon ng paghihintay bago mag-asawang muli) maging ito man ay batay sa [bilang ng] mga pagreregla o mga buwan dahil sa pagkakaalam sa kawalang-laman ng mga sinapupunan nila dahil sa kawalan ng pakikipagtalik sa kanila. Magpatamasa kayo sa kanila ng mga salapi ninyo alinsunod sa kaluwagan ninyo bilang pampalubag-loob sa mga damdamin nilang nasaktan dahil sa diborsiyo. Hayaan ninyo sila sa landas nila ayon sa nakabubuti nang walang pananakit sa kanila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba