Surah Al-Aḥzāb (Ang mga Alyansa — الأحزاب) (Talata 50)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




33 Al-Aḥzāb(الأحزاب), Talata 50

يَا أَيُّهَا النَّبِيُّ إِنَّا أَحْلَلْنَا لَكَ أَزْوَاجَكَ اللَّاتِي آتَيْتَ أُجُورَهُنَّ وَمَا مَلَكَتْ يَمِينُكَ مِمَّا أَفَاءَ اللَّهُ عَلَيْكَ وَبَنَاتِ عَمِّكَ وَبَنَاتِ عَمَّاتِكَ وَبَنَاتِ خَالِكَ وَبَنَاتِ خَالَاتِكَ اللَّاتِي هَاجَرْنَ مَعَكَ وَامْرَأَةً مُؤْمِنَةً إِنْ وَهَبَتْ نَفْسَهَا لِلنَّبِيِّ إِنْ أَرَادَ النَّبِيُّ أَنْ يَسْتَنْكِحَهَا خَالِصَةً لَكَ مِنْ دُونِ الْمُؤْمِنِينَ ۗ قَدْ عَلِمْنَا مَا فَرَضْنَا عَلَيْهِمْ فِي أَزْوَاجِهِمْ وَمَا مَلَكَتْ أَيْمَانُهُمْ لِكَيْلَا يَكُونَ عَلَيْكَ حَرَجٌ ۗ وَكَانَ اللَّهُ غَفُورًا رَحِيمًا 50 ٥٠

O Propeta [Muḥammad], tunay na Kami ay nagpahintulot para sa iyo ng mga maybahay mong nagbigay ka ng mga bigay-kaya nila, ng anumang minay-ari ng kanang kamay mo kabilang sa [mga bihag na] ipinasamsam ni Allāh sa iyo, ng mga babaing anak ng tiyuhin mo sa ama, ng mga babaing anak ng tiyahin mo sa ama, ng mga babaing anak ng tiyuhin mo sa ina, ng mga babaing anak ng tiyahin mo sa ina, na lumikas kasama sa iyo, at ng isang babaing mananampalataya kung nagkaloob ito ng sarili nito sa Propeta kung nagnais naman ang Propeta na mapangasawa ito, bilang natatangi sa iyo bukod sa [nalalabi sa] mga mananampalataya. Nakaalam nga Kami ng isinatungkulin Namin sa kanila kaugnay sa mga maybahay nila at minay-ari ng kanang kamay nila [sa pamamagitan ng mga paraang ayon sa batas] upang hindi magkaroon sa iyo ng isang kaasiwaan. Laging si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain. (50)

Tafsīr
O Propeta, tunay na Kami ay nagpahintulot para sa iyo sa mga maybahay mong nagbigay ka ng mga bigay-kaya sa kanila. Nagpahintulot Kami para sa iyo sa minay-ari ng kanang kamay mo na mga babaing alipin kabilang sa ipinagkaloob sa iyo na mga bihag [sa digmaan]. Nagpahintulot Kami para sa iyo ng pag-aasawa sa mga babaing anak ng tiyuhin mo sa ama, ng pag-aasawa sa mga babaing anak ng mga tiyahin mo sa ama, ng pag-aasawa sa mga babaing anak ng tiyuhin mo sa ina, at ng pag-aasawa sa mga babaing anak ng mga tiyahin mo sa ina, na lumikas kasama sa iyo mula sa Makkah patungo sa Madīnah. Nagpahintulot Kami sa iyo ng pag-aasawa sa isang babaing mananampalatayang nagkaloob ng sarili nito sa iyo nang walang bigay-kaya kung nagnais ka naman na mapangasawa ito. Ang pag-aasawa ng kaloob ay natatangi sa Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan; hindi ito ipinahihintulot sa iba pa sa kanya kabilang sa Kalipunang [Islām]. Nakaalam nga Kami ng inobliga Namin sa mga mananampalataya kaugnay sa pumapatungkol sa mga maybahay kung saan hindi ipinahihintulot para sa kanila na lumampas sila sa apat na maybahay. [Nakaalam Kami] ng isinabatas Namin para sa kanila kaugnay sa pumapatungkol sa mga babaing alipin nila kung saan tunay na ukol sa kanila na magpakaligaya sa sinumang niloob nila sa mga iyon nang walang paglilimita sa bilang. Nagpahintulot Kami para sa iyo ng ipinahintulot Namin mula sa nabanggit na hindi Namin ipinahintulot sa iba pa sa iyo upang hindi magkaroon sa iyo ng pagkailang at hirap. Laging si Allāh ay Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba