Surah Al-Aḥzāb (Ang mga Alyansa — الأحزاب) (Talata 60)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




33 Al-Aḥzāb(الأحزاب), Talata 60

لَئِنْ لَمْ يَنْتَهِ الْمُنَافِقُونَ وَالَّذِينَ فِي قُلُوبِهِمْ مَرَضٌ وَالْمُرْجِفُونَ فِي الْمَدِينَةِ لَنُغْرِيَنَّكَ بِهِمْ ثُمَّ لَا يُجَاوِرُونَكَ فِيهَا إِلَّا قَلِيلًا 60 ٦٠

Talagang kung hindi tumigil ang mga mapagpaimbabaw, ang mga [mahalay na] sa mga puso nila ay may sakit, at ang mga tagapagkalat ng sabi-sabi sa Madīnah ay talagang mag-uudyok nga Kami sa iyo laban sa kanila, pagkatapos hindi sila makikipagkapit-bahay sa iyo roon kundi nang kaunti. (60)

Tafsīr
Talagang kung hindi tumigil ang mga mapagpaimbabaw sa pagpapaimbabaw nila sa pamamagitan ng pagkukubli nila ng kawalang-pananampalataya at paglalantad nila ng [pagsapi sa] Islām, ang mga sa mga puso nila ay may kasamaang-loob dahil sa pagkahumaling nila sa mga ninanasa nila, at ang mga nagdadala ng mga ulat na sinungaling sa Madīnah upang magpawatak-watak sa pagitan ng mga mananampalataya, talagang mag-uutos nga Kami sa iyo, O Sugo, ng pagpaparusa sa kanila at talagang magpapangibabaw nga Kami sa iyo laban sa kanila, pagkatapos hindi sila makikitira sa Madīnah maliban sa kaunting panahon dahil sa pagpapahamak sa kanila at pagtataboy sa kanila buhat doon dahilan sa panggugulo nila sa lupain.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba