Surah Al-Aḥzāb (Ang mga Alyansa — الأحزاب) (Talata 66)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Sa Araw na itataob ang mga mukha nila sa Apoy ay magsasabi sila: “O kung sana kami ay tumalima kay Allāh at tumalima sa Sugo.” (66)
Tafsīr
Sa Araw ng Pagbangon, itataob ang mga mukha nila sa Apoy ng Impiyerno habang nagsasabi dahil sa tindi ng panghihinayang at pagsisisi: "O kung sana kami, sa buhay namin sa Mundo, ay nangyaring tumalima kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa ipinag-utos Niya sa amin at umiwas sa sinaway Niya sa amin at tumalima sa Sugo kaugnay sa inihatid nito mula sa Panginoon nito."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: