Surah Al-Aḥzāb (Ang mga Alyansa — الأحزاب) (Talata 9)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
O mga sumampalataya, alalahanin ninyo ang biyaya ni Allāh sa inyo noong may dumating sa inyo na mga kawal saka nagsugo sa kanila ng isang hangin at mga kawal [na Anghel] na hindi ninyo nakita. Laging si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita. (9)
Tafsīr
O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa isinabatas Niya, alalahanin ninyo ang biyaya ni Allāh sa inyo nang dumating sa Madīnah ang mga kawal ng mga tagatangging sumampalataya, na mga nagbuklud-buklod sa pakikipaglaban sa inyo. Sumuporta sa kanila ang mga mapagpaimbabaw at ang mga Hudyo kaya nagpadala sa kanila ng isang hangin, ang hangin ng silanganing hangin, na ipinang-adya sa Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan. Nagpadala Siya ng mga kawal kabilang sa mga anghel na hindi ninyo nakita kaya tumalikod ang mga tagatangging sumampalataya habang mga tumatakas na hindi nakakakaya sa anuman. Laging si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula roon at gaganti sa inyo sa mga gawa ninyo.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: