Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Ngunit nagsabi sila: “Panginoon namin, magpalayo Ka sa pagitan ng mga paglalakbay namin.” Lumabag sila sa katarungan sa mga sarili nila kaya gumawa Kami sa kanila bilang mga [panghalimbawang] usap-usapan [ng nakalipas] at gumutay-gutay Kami sa kanila nang buong paggutay-gutay. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa bawat palatiis na mapagpasalamat. (19)
Tafsīr
Ngunit nagpawalang-pakundangan sila sa biyaya ni Allāh sa kanila sa pamamagitan ng pagpapalapit ng mga distansiya at nagsabi sila: "Panginoon namin, magpalayo Ka sa pagitan ng mga paglalakbay namin sa pamamagitan ng pag-aalis sa mga pamayanang iyon upang makalasap kami ng pagod ng mga paglalakbay at lumantad ang pagkatangi ng mga sasakyang hayop namin." Lumabag sila sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa pagwawalang-pakundangan nila sa biyaya ni Allāh, pag-ayaw nila sa pagpapasalamat sa Kanya, at inggit nila sa mga maralita kabilang sa kanila. Kaya gumawa Kami sa kanila na maging mga pinag-uusapan na pinag-uusapan noong matapos nila. Nagpahiwa-hiwalay Kami sa kanila sa mga bayan nang buong pagpapahiwa-hiwalay sa paraang hindi sila nagkakaugnayan sa isa't isa sa kanila. Tunay na sa nabanggit na iyon na pagbibiyaya sa mga mamamayan ng Sheba, pagkatapos paghihiganti sa kanila dahil sa kawalang-pananampalataya nila at pagwawalang-pakundangan nila ay talagang may maisasaalang-alang para sa bawat mapagtiis sa pagtalima kay Allāh, sa paglayo sa pagsuway sa Kanya, at sa pagsubok, na mapagpasalamat sa mga biyaya ni Allāh.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: