Surah Saba’ (Saba — سبأ) (Talata 22)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




34 Saba’(سبأ), Talata 22

قُلِ ادْعُوا الَّذِينَ زَعَمْتُمْ مِنْ دُونِ اللَّهِ ۖ لَا يَمْلِكُونَ مِثْقَالَ ذَرَّةٍ فِي السَّمَاوَاتِ وَلَا فِي الْأَرْضِ وَمَا لَهُمْ فِيهِمَا مِنْ شِرْكٍ وَمَا لَهُ مِنْهُمْ مِنْ ظَهِيرٍ 22 ٢٢

Sabihin mo: “Dumalangin kayo sa mga inangkin ninyo [na mga katambal na diyos] bukod pa kay Allāh, samantalang hindi sila nagmamay-ari ng kasimbigat ng isang katiting sa mga langit ni sa lupa, walang ukol sa kanila sa mga ito na anumang pakikitambal [sa Kanya] at walang ukol sa Kanya mula sa kanila na anumang mapagtaguyod. (22)

Tafsīr
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Manawagan kayo sa mga inangkin ninyo na sila ay mga diyos para sa inyo bukod pa kay Allāh upang magdulot sa inyo ng pakinabang o mag-alis sa inyo ng pinsala sapagkat hindi sila nagmamay-ari ng kasimbigat ng isang katiting sa mga langit ni sa lupa. Walang ukol sa kanila na pakikitambal sa mga ito kasama kay Allāh at walang ukol kay Allāh na anumang tagatulong na tumutulong sa Kanya sapagkat Siya ay Walang-pangangailangan sa mga katambal at mga tagatulong.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba