Surah Saba’ (Saba — سبأ) (Talata 2)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




34 Saba’(سبأ), Talata 2

يَعْلَمُ مَا يَلِجُ فِي الْأَرْضِ وَمَا يَخْرُجُ مِنْهَا وَمَا يَنْزِلُ مِنَ السَّمَاءِ وَمَا يَعْرُجُ فِيهَا ۚ وَهُوَ الرَّحِيمُ الْغَفُورُ 2 ٢

Nakaaalam Siya sa anumang lumalagos sa lupa at anumang lumalabas mula rito, at anumang bumababa mula sa langit at anumang pumapanik doon. Siya ay ang Maawain, ang Mapagpatawad. (2)

Tafsīr
Nakaaalam Siya sa anumang pumapasok sa lupa na tubig at halaman; nakaaalam Siya sa anumang lumalabas mula rito na halaman at iba pa; nakaaalam Siya sa anumang bumababa mula sa langit na ulan, mga anghel, at mga panustos; at nakaaalam Siya sa anumang umaakyat sa langit na mga anghel, mga gawain ng mga lingkod Niya, at mga kaluluwa nila. Siya ay ang Maawain sa mga lingkod Niyang mga mananampalataya, ang Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng sinumang nagbalik-loob sa Kanya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba