Surah Saba’ (Saba — سبأ) (Talata 31)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




34 Saba’(سبأ), Talata 31

وَقَالَ الَّذِينَ كَفَرُوا لَنْ نُؤْمِنَ بِهَٰذَا الْقُرْآنِ وَلَا بِالَّذِي بَيْنَ يَدَيْهِ ۗ وَلَوْ تَرَىٰ إِذِ الظَّالِمُونَ مَوْقُوفُونَ عِنْدَ رَبِّهِمْ يَرْجِعُ بَعْضُهُمْ إِلَىٰ بَعْضٍ الْقَوْلَ يَقُولُ الَّذِينَ اسْتُضْعِفُوا لِلَّذِينَ اسْتَكْبَرُوا لَوْلَا أَنْتُمْ لَكُنَّا مُؤْمِنِينَ 31 ٣١

Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya: “Hindi kami sasampalataya sa Qur’ān na ito ni sa nauna rito [na mga kasulatan].” Kung sakaling makikita mo kapag ang mga tagalabag sa katarungan ay mga pinatitindig sa harap ng Panginoon nila habang nagpapalitan ang isa’t isa sa kanila ng sinasabi, [makakikita ka ng kamangha-mangha]. Magsasabi ang mga siniil sa mga nagmalaki: “Kung hindi dahil sa inyo ay talaga sanang kami ay naging mga mananampalataya.” (31)

Tafsīr
Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh: "Hindi kami sasampalataya sa Qur’an na ito na inaangkin ni Muḥammad na ito ay pinababa sa kanya at hindi kami sasampalataya sa mga kasulatang makalangit na nauna." Kung sakaling makikita mo, O Sugo, kapag ang mga tagalabag sa katarungan ay mga nakakulong sa harap ng Panginoon nila sa Araw ng Pagbangon para sa pagtutuos habang nagpapalitan sila ng pananalita sa pagitan nila, na nagpupukol ang bawat isa sa kanila ng pananagutan at paninisi sa iba. Magsasabi ang mga tagasunod na siniil sa mga pinuno nila na naniil sa kanila sa Mundo: "Kung hindi dahil kayo ay nagligaw sa amin, talaga sanang kami ay naging mga mananampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba