Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Hindi ang mga yaman ninyo at hindi ang mga anak ninyo ang nagpapalapit sa inyo sa ganang Amin sa kadikitan bagkus ang [pagiging mga] sumampalataya at gumawa ng maayos sapagkat ang mga iyon ay ukol sa kanila ang ganti ng pag-iibayo [ng gantimpala] dahil sa ginawa nila at sila sa mga silid [sa Paraiso] ay mga natitiwasay. (37)
Tafsīr
Hindi ang mga yaman ninyo at hindi ang mga anak ninyo na ipinagmamayabang ninyo ang mag-aakay sa inyo tungo sa pagkalugod ni Allāh subalit ang sinumang sumampalataya kay Allāh at gumawa ng gawang maayos ay magtatamo ng pabuyang pinag-ibayo. Ang mga yaman ay nakapagpapalapit kay Allāh sa pamamagitan ng paggugol sa mga ito sa landas ni Allāh at ang mga anak naman ay [nakapagpapalapit ] sa pamamagitan ng pagdalangin nila para sa kanya. Yaong mga mananampalatayang tagagawa ng mga maayos, ukol sa kanila ay gantimpalang pinag-ibayo dahil sa ginawa nila na mga magandang gawa. Sila, sa mga tuluyang pinakamataas sa paraiso, ay mga natitiwasay laban sa bawat pinangangambahan nila na pagdurusa, kamatayan, at pagkaputol ng kaginhawahan.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: