Surah Saba’ (Saba — سبأ) (Talata 39)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




34 Saba’(سبأ), Talata 39

قُلْ إِنَّ رَبِّي يَبْسُطُ الرِّزْقَ لِمَنْ يَشَاءُ مِنْ عِبَادِهِ وَيَقْدِرُ لَهُ ۚ وَمَا أَنْفَقْتُمْ مِنْ شَيْءٍ فَهُوَ يُخْلِفُهُ ۖ وَهُوَ خَيْرُ الرَّازِقِينَ 39 ٣٩

Sabihin mo: “Tunay na ang Panginoon ko ay nagpapaluwag ng panustos para sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya at naghihigpit dito. Ang anumang ginugol ninyo na anuman, Siya ay magtutumbas nito at Siya ay ang pinakamainam sa mga tagapagtustos.” (39)

Tafsīr
Sabihin mo, O Sugo,: "Tunay na ang Panginoon ko – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – ay nagpapaluwang ng panustos para sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya at nagpapasikip nito sa sinumang niloloob Niya kabilang sa kanila. Ang anumang ginugol ninyo na anuman sa landas ni Allāh, si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – ay magtutumbas nito sa inyo sa Mundo sa pamamagitan ng pagbibigay sa inyo ng higit na mabuti kaysa rito at sa Kabilang-buhay sa pamamagitan ng gantimpalang masagana. Si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang pinakamainam sa mga tagapagtustos kaya ang sinumang hihiling ng panustos ay dumulog sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba