Surah Saba’ (Saba — سبأ) (Talata 43)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




34 Saba’(سبأ), Talata 43

وَإِذَا تُتْلَىٰ عَلَيْهِمْ آيَاتُنَا بَيِّنَاتٍ قَالُوا مَا هَٰذَا إِلَّا رَجُلٌ يُرِيدُ أَنْ يَصُدَّكُمْ عَمَّا كَانَ يَعْبُدُ آبَاؤُكُمْ وَقَالُوا مَا هَٰذَا إِلَّا إِفْكٌ مُفْتَرًى ۚ وَقَالَ الَّذِينَ كَفَرُوا لِلْحَقِّ لَمَّا جَاءَهُمْ إِنْ هَٰذَا إِلَّا سِحْرٌ مُبِينٌ 43 ٤٣

Kapag binibigkas sa kanila ang mga tanda Namin bilang mga malinaw na patunay ay nagsasabi sila: “Walang iba [si Muḥammad na] ito kundi isang lalaking nagnanais na sumagabal sa inyo sa sinasamba noon ng mga ninuno ninyo.” Nagsabi pa sila: “Walang iba [si Muḥammad na ito] kundi isang panlilinlang na ginawa-gawa.” Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya sa katotohanan noong dumating ito sa kanila: “Walang iba ito kundi isang panggagaway na malinaw.” (43)

Tafsīr
Kapag binibigkas sa mga tagapagtambal na tagapasinungaling na ito ang mga talata Naming pinababa sa sugo Namin nang maliwanag na walang pagkalito sa mga ito ay nagsasabi sila: "Walang iba ang lalaking ito na naghatid ng mga ito kundi isang lalaking nagnanais na magpalihis sa inyo palayo sa gawain noon ng mga ninuno ninyo." Nagsabi pa sila: "Walang iba ang Qur'ān na ito kundi isang kasinungalingang nilikha-likha niya laban kay Allāh." Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh hinggil sa Qur'ān noong dumating ito sa kanila mula sa ganang kay Allāh: "Walang iba ito kundi isang panggagaway na maliwanag dahil sa pagpapahiwalay nito sa lalaki at maybahay niya, at sa anak at ama niya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba