Surah Fāṭir (Ang Lumikha — فاطر) (Talata 14)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




35 Fāṭir(فاطر), Talata 14

إِنْ تَدْعُوهُمْ لَا يَسْمَعُوا دُعَاءَكُمْ وَلَوْ سَمِعُوا مَا اسْتَجَابُوا لَكُمْ ۖ وَيَوْمَ الْقِيَامَةِ يَكْفُرُونَ بِشِرْكِكُمْ ۚ وَلَا يُنَبِّئُكَ مِثْلُ خَبِيرٍ 14 ١٤

Kung dadalangin kayo sa kanila ay hindi sila makaririnig sa panalangin ninyo, at kung sakaling nakarinig sila ay hindi sila tutugon sa inyo. Sa Araw ng Pagbangon ay magkakaila sila sa pagtatambal ninyo. Walang nagbabalita sa iyo ng tulad ng [kay Allāh na] isang Mapagbatid. (14)

Tafsīr
Kung dadalangin kayo sa mga sinasamba ninyo ay hindi sila makaririnig sa panalangin ninyo sapagkat sila ay mga materyal na walang buhay sa kanila at walang pandinig para sa kanila. Kung sakaling nakarinig sila sa panalangin ninyo – kung ipagpapalagay – ay talagang hindi sila tutugon sa inyo. Sa Araw ng Pagbangon ay magpapawalang-kaugnayan sila sa pagtatambal ninyo at pagsamba ninyo sa kanila. Walang isang nagpapabatid sa iyo, O Sugo, na higit na tapat kaysa kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba