Surah Fāṭir (Ang Lumikha — فاطر) (Talata 22)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




35 Fāṭir(فاطر), Talata 22

وَمَا يَسْتَوِي الْأَحْيَاءُ وَلَا الْأَمْوَاتُ ۚ إِنَّ اللَّهَ يُسْمِعُ مَنْ يَشَاءُ ۖ وَمَا أَنْتَ بِمُسْمِعٍ مَنْ فِي الْقُبُورِ 22 ٢٢

Hindi nagkakapantay ang mga buhay at ang mga patay. Tunay na si Allāh ay nagpaparinig sa sinumang niloloob Niya samantalang ikaw ay hindi tagapagparinig sa sinumang mga nasa mga libingan. (22)

Tafsīr
Hindi nagkakapantay ang mga mananampalataya at ang mga tagatangging sumampalataya kung paanong hindi nagkakapantay ang mga buhay at ang mga patay. Tunay na si Allāh ay nagpaparinig sa sinumang niloloob Niya ng kapatnubayan nito samantalang ikaw, O Sugo, ay hindi tagapagparinig sa mga tagatangging sumampalataya na tulad ng mga patay sa mga libingan.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba