Surah Fāṭir (Ang Lumikha — فاطر) (Talata 24)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




35 Fāṭir(فاطر), Talata 24

إِنَّا أَرْسَلْنَاكَ بِالْحَقِّ بَشِيرًا وَنَذِيرًا ۚ وَإِنْ مِنْ أُمَّةٍ إِلَّا خَلَا فِيهَا نَذِيرٌ 24 ٢٤

Tunay na Kami ay nagsugo sa iyo, [O Muḥammad,] kalakip ng katotohanan bilang mapagbalita ng nakagagalak at bilang mapagbabala. Walang anumang kalipunan malibang may nagdaan doon na isang mapagbabala. (24)

Tafsīr
Tunay na Kami ay nagpadala sa iyo, O Sugo, kalakip ng katotohanan na walang pag-aalinlangan hinggil dito, bilang tagapagbalita ng nakagagalak para sa mga mananampalataya hinggil sa inihanda ni Allāh para sa kanila na gantimpalang masagana at bilang tagapagbabala sa mga tagatangging sumampalataya laban sa inihanda Niya para sa kanila na pagdurusang masakit. Walang anumang kalipunan kabilang sa mga kalipunang nauna malibang may nagdaan doon na isang sugo mula sa ganang kay Allāh, na nagbababala roon laban sa pagdurusang dulot Niya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba