Surah Fāṭir (Ang Lumikha — فاطر) (Talata 28)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




35 Fāṭir(فاطر), Talata 28

وَمِنَ النَّاسِ وَالدَّوَابِّ وَالْأَنْعَامِ مُخْتَلِفٌ أَلْوَانُهُ كَذَٰلِكَ ۗ إِنَّمَا يَخْشَى اللَّهَ مِنْ عِبَادِهِ الْعُلَمَاءُ ۗ إِنَّ اللَّهَ عَزِيزٌ غَفُورٌ 28 ٢٨

Mayroon sa mga tao, mga umuusad na hayop, at mga hayupang nagkakaiba-iba ang mga kulay ng mga ito gayon din. Tanging natatakot kay Allāh kabilang sa mga lingkod Niya ang mga nakaaalam. Tunay na si Allāh ay Makapangyarihan, Mapagpatawad. (28)

Tafsīr
Kabilang sa mga tao, kabilang sa mga umuusad na hayop, at kabilang sa mga hayupan (mga kamelyo, mga baka, at mga tupa) ay nagkakaiba-iba ang mga kulay ng mga ito, na tulad ng nabanggit na iyon. Dumadakila lamang sa katayuan ni Allāh – pagkataas-taas Siya – at natatakot sa Kanya ang mga nakaaalam sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – dahil sila ay nakakilala sa mga katangian Niya, Batas Niya, at mga katunayan sa kakayahan Niya. Tunay na si Allāh ay Makapangyarihan na walang nakikipanaig sa Kanya na isa man, Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba