Surah Fāṭir (Ang Lumikha — فاطر) (Talata 31)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




35 Fāṭir(فاطر), Talata 31

وَالَّذِي أَوْحَيْنَا إِلَيْكَ مِنَ الْكِتَابِ هُوَ الْحَقُّ مُصَدِّقًا لِمَا بَيْنَ يَدَيْهِ ۗ إِنَّ اللَّهَ بِعِبَادِهِ لَخَبِيرٌ بَصِيرٌ 31 ٣١

Ang ikinasi Namin sa iyo, [O Propeta Muḥammad,] na Aklat ay ang totoo, bilang tagapagpatotoo para sa nauna rito. Tunay na si Allāh sa mga lingkod Niya ay talagang Mapagbatid, Nakakikita. (31)

Tafsīr
Ang ikinasi sa iyo, O Sugo, na Aklat ay ang totoo na walang duda hinggil dito, na pinababa ni Allāh bilang pagpapatotoo para sa mga kasulatang nauna. Tunay na si Allāh ay talagang Mapagbatid sa mga lingkod Niya, Nakakikita sapagkat Siya ay nagkakasi sa isang sugo ng bawat kalipunan ng kinakailangan nito sa panahon nito.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba