Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
O mga tao, alalahanin ninyo ang biyaya ni Allāh sa inyo. May tagalikha kayang iba pa kay Allāh, na nagtutustos sa inyo mula sa langit at lupa? Walang Diyos kundi Siya, kaya paanong nalilinlang kayo [palayo sa katotohanan]? (3)
Tafsīr
O mga tao, alalahanin ninyo ang biyaya ni Allāh sa inyo sa pamamagitan ng mga puso ninyo, mga dila ninyo, at mga bahagi ng katawan ninyo sa pamamagitan ng paggawa. Mayroon kaya kayong anumang tagalikhang iba pa kay Allāh, na nagtutustos sa inyo mula sa langit ng pinabababa Niya sa inyo na ulan at nagtutustos sa inyo mula sa lupa ng pinatutubo Niya na mga bunga, mga pananim, at iba pa roon? Walang sinasamba ayon sa karapatan na iba pa sa Kanya. Kaya papaanong matapos nito ay nalilihis kayo palayo sa katotohanang ito, gumawa-gawa kayo [ng kasinungalingan] laban kay Allāh, at nag-aangkin kayo na sa kay Allāh ay may mga katambal samantalang Siya ay ang lumikha sa inyo at nagtustos sa inyo?
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: