Surah Fāṭir (Ang Lumikha — فاطر) (Talata 42)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




35 Fāṭir(فاطر), Talata 42

وَأَقْسَمُوا بِاللَّهِ جَهْدَ أَيْمَانِهِمْ لَئِنْ جَاءَهُمْ نَذِيرٌ لَيَكُونُنَّ أَهْدَىٰ مِنْ إِحْدَى الْأُمَمِ ۖ فَلَمَّا جَاءَهُمْ نَذِيرٌ مَا زَادَهُمْ إِلَّا نُفُورًا 42 ٤٢

Sumumpa sila kay Allāh nang taimtim sa mga panunumpa nila na talagang kung may pumunta sa kanila na isang mapagbabala ay talagang sila nga ay magiging higit na napatnubayan kaysa sa isa sa mga kalipunan. Ngunit noong may dumating sa kanila na isang mapagbabala, walang naidagdag ito sa kanila kundi isang pagkaayaw, (42)

Tafsīr
Sumumpa ang mga tagatangging sumampalataya na tagapasinungaling na ito kay Allāh ng isang tiniyak na panunumpang binigyang-diin na talagang kung may pumunta sa kanila na isang sugo mula kay Allāh, na nagbababala sa kanila sa pagdurusang dulot Niya, talagang sila nga ay magiging higit sa pananatili at pagsunod sa katotohanan kaysa sa mga Hudyo, mga Kristiyano, at iba pa sa mga ito. Ngunit noong dumating sa kanila si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – bilang isinugo mula sa Panginoon niya, na nagpapangamba sa kanila sa pagdurusang dulot ni Allāh, walang naidagdag sa kanila ang pagdating niya kundi isang kalayuan sa katotohanan at isang pagkahumaling sa kabulaanan. Kaya hindi sila tumupad sa sinumpaan nilang mga panunumpang binigyang-diin na sila ay maging higit na napatnubayan kaysa sa nauna sa kanila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba