Surah Fāṭir (Ang Lumikha — فاطر) (Talata 43)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




35 Fāṭir(فاطر), Talata 43

اسْتِكْبَارًا فِي الْأَرْضِ وَمَكْرَ السَّيِّئِ ۚ وَلَا يَحِيقُ الْمَكْرُ السَّيِّئُ إِلَّا بِأَهْلِهِ ۚ فَهَلْ يَنْظُرُونَ إِلَّا سُنَّتَ الْأَوَّلِينَ ۚ فَلَنْ تَجِدَ لِسُنَّتِ اللَّهِ تَبْدِيلًا ۖ وَلَنْ تَجِدَ لِسُنَّتِ اللَّهِ تَحْوِيلًا 43 ٤٣

dala ng pagmamalaki sa lupain at pagpapakana ng masagwa. Hindi pumapaligid ang pakanang masagwa maliban sa mga kampon nito. Kaya naghihintay kaya sila ng maliban pa sa kalakaran ng mga sinauna? Ngunit hindi ka makatatagpo para sa kalakaran ni Allāh ng isang pagpapalit at hindi ka makatatagpo para sa kalakaran ni Allāh ng isang paglilipat. (43)

Tafsīr
Ang panunumpa nila kay Allāh ayon sa sinumpaan nila ay hindi dala ng kagandahan ng isang layunin at isang pakay na matino, bagkus dahil sa pagmamalaki sa lupain at pandaraya sa mga tao. Hindi sumasaklaw ang pakanang masagwa kundi sa mga alagad nitong tagapakana. Kaya naghihintay kaya ang mga tagapagmalaking tagapakanang ito ng maliban pa sa matatag na kalakaran ni Allāh. Ito ay ang pagpapahamak sa kanila gaya ng pagpapahamak sa mga tulad nila kabilang sa mga nauna sa kanila? Hindi ka makatatagpo para sa kalakaran ni Allāh sa pagpapahamak sa mga tagapagmalaki ng isang pagpapalit upang hindi ito maganap sa kanila, ni ng isang paglilipat upang maganap ito sa iba pa sa kanila dahil ito ay kalakarang pandiyos na matatag.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba